Urggh. Kainis. Guidance na naman -.- Ayoko dun. pa-2nd time ko na ‘to. Kainis yung mga guidance counselor. Ewan ko kung nangfe-fake sila dun eh pero fck. Sino kaya nag-refer sakin. Either PE prof or Physcie prof. Dun lang naman ako nale-late eh. Pfft.
—-Yan yung nasa isip ko nung na-receive ko yung memo. Ayun. Naghintay ako ng 1hr para sa appointment ko. T.T La lang.
At kinausap na’ko ni Ate Counselor. Wala naman daw problema sakin. Kelangan lang talaga akong kausapin. Nakalagay sa Memo:
blah blah - Your Wellness Coordinator
Wellness. Haha. Kausapin nyo ko tungkol sa wellness? Sorry di ko masasabi sayo lahat ng problema ko. Gusto mo sumabog? He-he. Joke. Pano ko sasabihin kay Ate harap-harapan eh di pa kami close. Charot. Dito lang ako ‘sharer,’ sa mga di ko ka-close, sa tumblr. Anddd…
PE prof nga yung nag-refer sakin. May 2 absences na daw ako altho yung isa, nasa astrocamp ako kaya excused dapat yun. Hindi absent. I-c-clarify ko pa. Malaki talaga galit sakin nung prof na yun. Tapos, hay. Grabe mangealam ng buhay ng may buhay si ateng.
Ewan ko. Nagngi-ngitian lang kami. Haha. Okay lang naman sya. Mabait (syempre). Nagbigay din sya ng pieces of advice sakin like; “Believe in yourself. Kailangan din ng effort, hindi lang faith… Enough preparation…”
Ganan. Paulit ulit pero at least, umabot naman sa entrance sa utak ko. Lol. Di naman masyadong na-absorb pero sakto lang. Thank you po. Haha More motivation pa sana~ at inspiration :”> Waha!
At dun ko na-apply ng sobra yung tinuro sa Communication Skills dati. Pag ayaw mong tingnan sa mata yung kausap, dun ka tumingin in between the eyes. Nagmukha siguro akong duling sa katititig sa gitna ng mga mata nya the whole time. Eh kesa naman hindi ako tumingin sa kanya eh di awkward. Kami lang nadun. Wala pa syang rubik’s cube na pwede kong laruin di tulad nung dati naming counselor. :D
Tapos pinakita nya sakin yung folder ko. Ewan kung ano yon. Assessment ek ek. Weew. Pinakamataas ko ay English ^__^ At ang taas daw ng average ko. Gulat din sya eh. Hindi nga naman ako mukhang matalino. Aminado ako dun (T.T) XD
Sorry, but, not all pretty girls are dumb. Yun yun eh! Hahaha joke
Pero matalino naman ako eh. Ata. Sana. Haha! Pero syempre may mas matalino sakin. Wahaha
Pagkatapos, binigay ko sa kanya yung memo. Pero akin na lang daw. Souvenir. HAHA Syempre tumanggi ako. Yoko nga. Pero sayang. Souvenir nga naman. Magpapa-guidance ulit ako. HAHAHAHAHA JOKE.