Puro reblogs lang. Walang magandang i-kwento eh. Eto lang nangyari:
Gutom na gutom ako. Hindi ko na nagawang ngumiti. Nung last 10 minutes na ng Physcie, nakasimangot na’ko at pagkatapos, diretso agad sa Chez (canteen). Lamon.
Di ko masyadong nakopya yung assignment. Isa lang ata nakopya ko. Pano ba naman? Eh ang hirap nung given problems. Pinahirapan pa lalo nung structure nung statements. Feeling cool pa siguro yung gumawa nun. Maganda nga naman kasi yung pagkakastate nung problems. Pero sa sobrang ganda, ang hirap nang i-decipher. Kala mo Old English eh. Imba.
May quiz pala? Haha Ayun. Tama naman ata mga naisagot ko. Report report sila. zzzZZZZ
Eto maganda. May quiz tas pinaggawa na kami ng initial sketch for the exhibit. Napuntang topic sakin eh Modernization as the Effect of Media to the Society. Yung sa iba, Peace at Violence. May naisip nako tapos pina-check ko yung concept ko kay Miss. Aba! Andaming kaartehan. Lagyan ko daw ng ilaw, tapos parang magpo-project yung effect sa isa pang board pag inilawan. Basta ang gulo. Lalagyan pa ng electronics eh bawal nga daw ang use of machines. Eh di ba ang light bulb ay isang screw. And a screw is a simple machine. So, machine talaga sya. Ewan. Yun na lang ang gagawin kong excuse. Wala na talagang time kanina eh. Nagpa-OT lang si Miss.
Feb 12 was a bore.