| Everyone: | dont do the thing |
| Percy: | no |
i always think “if people want to talk to me they will” which is my reasoning for never really starting conversations so i’m permanently thinking no one wants to talk but what if they’re sat there thinking the same and it’s just this cycle of silence that never gets broken because i’m too stubborn to just put myself out there
Nawawala ang
ATM card ko kaya
Wala nang baon.
Mahahanap na kaya kita?
Hahaha joke. Natutuwa lang talaga ako sa concept ng love rain. I used to hate rain at one point in my life. (I cannot exactly remember when pero nung panahong bumabaha samin dahil sa lakas ng ulan) Tapos napanuod ko yung Korean Drama na “Love Rain,” nagkaroon ako bigla ng appreciation para sa ulan. At since then, secretly hoping na’ko. Alam mo na yan. Hahaha. Joke ulit.
Sarangbi makes me crazy. Tuwing umuulan, tapos mag-isa akong naglalakad or kahit kasama ko yung mga kaibigan ko, parang may background music na nagp-play. Matic na yon. Palaging may nagp-play sa utak ko. Ganyan talaga. Minsan parang tanga. Kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, feeling ko eh mag-isa ako. Hindi ko na napapansin yung ibang bagay sa pagka-deep-in-thought ko. Haha Lakas maka-emo no. Minsan naalala ko pa yung mga raining scenes dun sa drama. Ehhh hahaha. For once, nakakalimutan ko din yung stress. Kaya okay din magmoment minsan.
At dahil jan, nagbabalik ang music player sa blog ko.
ng pagre-reminisce. Ugh. Ang saya. Mag-isa lang ako pero masaya ako hahaha.
Nung elementary, best days talaga yung after-school hours. 4:30pm - 6pm. Puro laro. Nakalimutan ko na nga lang yung tawag dun sa ibang laro. Fruits, ten-twenty, Good morning Mickey, saka yung pataasan ng talon galing sa hagdanan ng DECS. Nagro-role play din kami ng W.I.T.C.H, ako si Hay Lin. Saka Totally Spies! (lol). Si Alex ako (ang bilis kasi pumili nung mga kaibigan ko. Ako dapat si Clover :< ).
Nung Tuesday, kasama ko sina Alice, Wave, at Jack. (lol halatang pen names but wahtevs. gusto nila yan eh). Si Wave kasi mahilig sa role play hahaha eh masaya naman kaya maki-ride na lang.
Ako si Alena. As usual. Kaya naalala ko yung elementary days ko (si Alena din ako kasi kulay blue lol). Encantadia lagi yung nilalaro namin dati kapag hinihintay yung mga sundo namin. Pinakatanda ko pati sina Hagorn at Imaw. Hahaha Si Benedict ang nagpo-portray nun parehas. Hahaha Ang saya talaga dati. Takbuhan/habulan, batuhan nung bilog na orange na bunga nung halaman sa school. Tapos tatawanan ako nina Mama pagkatapos kasi ang gulo ng buhok ko at ang dumi ng uniform ko kasama na yung sapatos. Hahaha.
Nag-reminisce na naman. Hay.